PDEA: Higit 700 pulis nasa drug watchlist

Isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang pagkakasangkot ng 700 miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa kalakalan ng iligal na droga.

Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ni Aquino na ang mga pulis na nasa watchlist ay pawang mga gumagamit, tulak at ang iba ay protektor pa.

Ang rebelasyon ay sa gitna ng isyu ukol sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa illegal drug recycling.

Ayon kay Aquino, noong siya pa ang regional director ng Police Regional Office 3, higit 140 pulis sa Central Luzon ang kanyang sinibak at inilipat sa Mindanao.

Talamak anya ang drug recycling sa mga pulis ng Central Luzon dahil sa kaliwa’t kanang pagkakakumpiska ng droga mula sa drug laboratory.

Ang paglipat ng mga pulis sa Mindanao ang naging kanyang ‘band aid solution’ para mapigilan ang iligal na gawain ng mga pulis.

Samantala, sinabi pa ni Aquino na karamihan sa mga ‘ninja cops’ ay nailipat sa National Capital Region at ngayon ay sangkot na sa drug recycling.

 

Read more...