M3.8 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-12:55 Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 321 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Tarragona.

May lalim ang pagyanig na 40 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Dahil nasa dagat, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...