SWS: 86% ng mga Pinoy positibo ang rating sa kanilang buhay sa 4thQ ng 2018

Bagamat bahagyang bumaba, malaking bahagi pa rin ng mga Pilipino ang positibo ang pananaw sa kanilang kasalukuyang buhay batay sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Lumabas sa Anamnestic Comparative Self-Assessment (ACSA) rating sa fourth quarter ng 2018 na 86 percent ng mga Pinoy ang positibo ang rating sa kanilang buhay.

Mas mababa ito ng isang punto sa 87 percent na naitala noong December 2017.

Ayon sa SWS, ang terminong “anamnestic” ay nangangahulugan na “based on memory” kung saan ikinukumpara ng respondents ang kanilang “best and worst times in the past.”

Sa naturang survey na ginawa mula December 16 hanggang 19, 2018, apat na porsyento ang nagsabi na neutral zero ang kanilang kasalukuyang buhay habang 10 porsyento ang nagkaroon ng negatibong resulta.

Nagresulta ito sa nationwide ACSA rating na +2.60 sa scale na mula -5 hanggang +5.

 

Read more...