Batay sa ulat ng Quezon police, isinagawa ang raid sa isang bahay sa bahagi ng Barangay Malabanba Norte bandang alas singko kinse ng hapon.
Mayroon kasi aniyang nagpaalam sa mga otoridad ukol sa plantasyon ng marijuana sa lugar.
Narekober sa lugar ang 68 puno ng fully grown marijuana, siyam na marijuana plant, at dalawang bundle ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nasa 2,100 grams ang bigat ng mga nakuhang kontrabando.
Wala naman si Abrera nang isagawa ang raid sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES