DOJ bukas sa pagtatayo ng maximum prison sa ibang rehiyon

Bukas ang Department of Justice (DOJ) sa panukalang magtayo ng maximum prison sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, suportado nito ang mga panukalang batas na layong ma-decongest ang mga kulungan sa bansa.

Depende aniya ito sa mga ituturing na prayoridad ng sangay ng lehislatura.

Sa ngayon, pinamumunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pitong penal institutions.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– New Bilibid Prison (NBP)

– Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City

– Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte

– Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan

– San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City

– Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro

– Leyte Regional Prison sa Southern Leyte

 

Read more...