Plantasyon ng marijuana sa Cebu sinunog

Sinunog ang nasa 80,000 na “fully grown marijuana plants” sa Balamban, Cebu Martes ng umaga.

Ayon kay Col. Roderick Mariano, hepe ng Cebu Police Provincial Office (CPPO), nadiskubre ang plantasyon ng marijuana sa bahagi ng Sitio Quo Barangay Gaas bandang alas diyes y medya ng umaga.

Iniulat aniya ng ilang residente ang pagtatanim ng ilang indibidwal ng marijuana sa lugar.

Nagkakahalaga ang mga sinunog na marijuana ng mahigit P32 million.

Wala aniyang naaresto sa lugar ngunit nananatiling at large ang tatlong sinasabing cultivator sa lugar.

Kasunod nito, hinikayat ni Mariano ang mga residente sa lugar na agad i-report sa mga kahina-hinalang aktibidad sa lugar.

 

Read more...