Opisyal ng PhilRice natagpuang patay sa kotse nito sa Nueva Ecija

Iniimbestigahan ang pagkamatay ng opisyal ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na natagpuang patay sa kotse nito sa Talavera, Nueva Ecija araw ng Martes.

Nakitang patay si Roger Barroga, pinuno ng PhilRice Information System Division sa kotse nito na nakahimpil sa Barangay La Torre.

Si Barroga ay huling nakontak ng pamilya nito sa pagitan ng alas 3:00 at alas 4:00 Lunes ng hapon.

Ayon kay Col. Leon Victor Rosete ng Nueva Ecija Police Provincial Office, isang kasama sa trabaho ang nakakita sa bangkay ni Barroga na nasa likuran ng sasakyan nito.

Wala anyang foul play na nakita sa pagkamatay ng opisyal pero hiniling umano ng pamilya ng biktima na imbestigahan ang pangyayari.

 

Read more...