San Felipe, Zambales niyanig ng magkakasunod na lindol

Niyanig ng magkakasunod na lindol ang San Felipe, Zambales Martes ng gabi.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.4 na pagyanig sa 49 kilometers Southwest ng San Felipe bandang 5:42 ng hapon.

May lalim itong 17 kilometers

Makalipas lamang ang halos limang minuto, tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa 40 kilometers Southwest ng bayan bandang 5:47 ng hapon.

May lalim ang lindol na 14 kilometers.

Muling nilindol ang lugar bandang 6:32 ng gabi na may lakas na magnitude 3.1.

Tectonic ang origin ang tatlong lindol.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang mga pagyanig.

Read more...