Isa pang PMA cadet naospital

Isinugod sa ospital ang isa pang kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Brig. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isinugod sa ospital ang kadete matapos makitaan ng umano’y ‘signs of maltreatment.’

Hindi muna inilabas ni Arevalo ang pagkakakilanlan ng kadete.

Dinala ang kadete sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

 

Read more...