Pork barrel insertion sa 2020 budget ivi-veto ni Pangulong Duterte


Tiniyak ng palasyo ng Malakanyang na gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power kung mapatutunayan na may nakasingit na pork barrel funds sa 2020 national budget na aabot sa 4.1 trilyong piso.

Pahayag ito ng palasyo matapos ibunyag ni senador Panfilo Lacson na mayroong 700 milyong piso ang bawat kongresista habang tig 1.5 bilyong piso naman ang matatanggap ng dalawampu’t dalawang deputy speakers.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isang abogado si Pangulong Duterte at kapag nakitang unconstitutional ang nakasingit na pork barrel funds, tiyak matatapyas ito sa pambansang pondo.

Tungkulin aniya ng pangulo na busisiin ang pambansang pondo bago pa man aprubahan.

Naniniwala si Panelo na depende naman sa pangangailangan ng mga kongresista ang paghingi ng pondo.

Matatandaan na sa 2019 budget, tinanggap ni Pangulong Duterte ang mahigit 95 bilyong pisong pondo na umano’y pork barrel funds ng mga mambabatas.

Read more...