EJK sa mga abogado pinabulaanan ng Malakanyang

Walang extra judicial killings sa mga abogado sa Pilipinas.

Pahayag ito ng Malakanyang sa kabila ng petisyon na inihain ng grupo ng mga abogado na humihirit kay pangulong Rodrigo duterte na ipatigil na ang pag atake at ejk sa mga abogado.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may mga namamatay na abogado sa bansa dahil sa pagkakasangkot sa personal na away at hindi dahil sa EJK.

May mga kaso din aniya ng mga pagpatay sa mga abogado dahil naman sa mga kasong hinahawakan nila kung saan ang mga kalaban ang may kagagawan sa krimen.

Hindi anamn aniya basta na lamang pinapatay ang mga abogado na kritikal sa administrasyon o ang mga human rights defenders dahil lamang sa EJK.

Pagtitiyak ni Panelo, pinarurusahan at mananagot sa batas ang sinumang lumalabag o ang mga taong walang katuturang pumapatay sa mga abogado.

Pakisaup ni Panelo, tiyakin lamang na may ebidensya ang mga kasong isasampa sa korte para maparusahan ang mga dapat na managot sa batas.

Read more...