Miyembro ng Abu Sayyaf arestado sa Zamboanga City

Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Zamboanga City.

Dinakip ng pulisya ang rebelde na si Amran Dala, 32 anyos na naninirahan sa isang government resettlement sa Barangay Mercedes.

Ayon sa mga otoridad, isa si Dala sa mga responsable sa pagdukot sa biktimang si Michael Singson noong 2009 sa bayan ng Maluso sa Basilan.

Si Singson ay pinugutan ng ulo dahil hindi nakapagbayad ng ransom ang kaniyang pamilya.

Tagasunod umano ni Abu Sayyaf commander Furuji Indama si Dala na may mga kasong dalawang bilang ng murder, isang attempted murder at kidnapping with serious illegal detention.

Read more...