Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ang umiiral lamang na weather system ay ang northeasterly surface windflow na nakakaapekto sa extreme northern Luzon.
Dahil sa nasabing weather system, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kasama na ang Metro Manila, buong Visayas at Mindanao asahan ang maaliwalas na panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, may binabantayang low pressure area (LPA) sa layong 1,180 kilometro Silangan ng Visayas.
Wala pang direktang epekto sa bansa ang LPA at inaasahan itong papasok ng PAR bukas, araw ng Miyerkules.
Walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa kaya’t pinapayagan ang paglalayag ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat.