MPD: Contractor ng demolisyon sa gusali ng Sogo Hotel sa Maynila, posibleng may lapses

Posible umanong may lapses o kapayapabaan ang contractor ng demolisyon sa gusali ng Sogo Hotel sa Malate, Manila Lunes ng umaga na ikinasawi ng dalawang constructions workers.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., sinabi nito na ang ginawang proseso ng contractor ay sabay-sabay ang pag-demolish o paggiba sa mga palapag ng gusali.

Ayon kay Danao, sa kanyang assessment, ang nangyari ay lahat ng portion ng gusali ay sinabay-sabay ng demolish kaya hindi na kinaya ang bigat ng ibang palapag na nag-resulta sa pagbagsak ng gusali.

Dagdag ni Danao, isang witness ang nagsabi na binalaan niya ang contractor na dapat ay paisa-isang palapag lamang ang i-demolish pero hindi umano siya pinansin.

Narito ang bahagi ng panayam kay MPD chief Vicente Danao Jr.

Read more...