Drug suspect patay sa buy bust sa Pasay City

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos itong manlaban sa mga pulis sa buy bust operation sa Pasay City Martes ng madaling araw.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang target ng operasyon na nakilala lamang sa alyas na Manny.

Nagkasa ng operasyon ang pulisya sa Baragay 201 pero nalaman umano ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya nagpaputok ito at gumanti naman ang otoridad na ikinamatay ni alyas Manny.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 at ilang sachet ng shabu.

Samantala, sa parehong barangay ay naaresto naman ang limang suspek na nasa drugs watchlist din ng pulisya.

 

Read more...