Batay sa drug test sa isinagawa Southern Police District (SPD)-Crime Laboratory, si Loonie na Marlon Peroramas sa totoong buhay at ang mga kasamahang sina Ivan Agustin at David Rizon ay positibo sa THC metabolites na pangunahing aktibong sangkop ng marijuana.
Negatibo ang tatlo sa metamphetamine o shabu batay sa pagsusuri sa kanilang urine specimen.
Negatibo naman sa parehong marijuana at shabu ang kapatid ni Loonie na si Idyll Liza Peroramas, at driver na si Albert Alvarez.
Pero ayon sa SPD-Crime Lab, isasailalim pa sa “confirmatory test” ang urine specimen ng mga suspek na ginamit sa pagsusuri.
Magugunitang noong Miyerkules, September 18 nang arestuhin si Loonie at kanyang mga kasamahan matapos makuhaan ng kush o high grade marijuana.
Ayon sa SPD, ang lab report ay gagamitin sa pag-inquest kina Loonie, Agustin at Rizon.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.