Masayang iiwan ni outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang serbisyo sa militar.
Sa flag raising ceremony sa AFP headquartes sa Camp Aguinaldo, araw ng Lunes, pinasalamatan ni Madrigal ang lahat ng personnel sa naging dedikasyon at pakikiisa ng mga ito sa kanyang liderato.
Iiwan niya anya ang serbisyo ng may ‘grateful heart’ at ‘fulfilled soul’.
“To all of you, our personnel, the very heart of our institution, I will always cherish the dedication, cooperation, and professionalism you have shown during my time at the helm of the AFP. You’ve made my work easier and more fulfilling and for that, I thank you all,” ani Madrigal.
Ayon kay Madrigal, kapag iginugol ang buhay sa serbisyo sa bayan ay napakahirap itong iwan.
Kumpyansa naman anya siya na naibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya habang nasa serbisyo kaya’t hindi magiging mahirap ang kanyang pamamaalam.
“If you have spent your whole life and dedicated your time in the service, it will be difficult to let go. But I am confident that I have given the service, everything that I am and everything that I can and this somehow makes the parting easier,” dagdag ni Madrigal.
Tatlumpu’t walong taon nang naninilbihan sa militar si Madrigal at nakatakda na itong magretiro sa September 28.
Si Madrigal na miyembro ng Philippine Military Academy ‘Sandiwa’ Class of 1985 ay naabot na ang mandatory retirement age na 56.
Ngayong araw, pormal nang hahalili sa pwesto ni Madrigal si Lt. Gen. Noel Clement.