Ayon sa Phivolcs, ang unang pagyanig ay may lakas na magnitude 4.6 at naganap alas-10:34 ng gabi.
Ang episentro nito ay sa layong 50 kilometro Hilagang-Silangan ng Cagwait.
May lalim ang pagyanig na 15 kilometro.
Alas-10:46 naman ng gabi ay tumama naman ang magnitude 4.2 na lindol.
Ang episentro naman nito ay sa layong 58 kilometro Hilagang-Silangan ng Cagwait.
May lalim ang pagyanig na pitong kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ang mga ito ng pinsala at wala ring inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES