7 hinihinalang kaso ng Polio naitala sa Zamboanga

Hinihintay ng Department of Health-Region 9 ang resulta ng pagsusuri sa pitong bata sa Zamboanga na hinihinalang may Polio.

Ito ay matapos iulat ng DOH-Region 9 ang pitong hinihinalang kaso ng Polio sa Zamboanga Peninsula.

Ipinadala na ng ahensya sa Research Institute for Tropical Medicine ng samples na kinuha sa mga apektadong bata.

Nabatid na 71 percent ng mga bata sa lugar ang nabakunahan laban sa Polio noong nakaraang taon.

Ito ay mas mababa sa 95 percent na target ng DOH.

Una rito ay kinumpirma ng DOH ang pagbabalik ng Polio sa Pilipinas makalipas ang 19 taon.

Isang 3 taong gulang na batang babae sa Lanao del Sur ang nagkasakit ng Polio na sinundan ng 5 taong gulang na batang lalaki sa Laguna.

 

Read more...