Mahigpit na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang dalawampu’t dalawang ‘ninja cops.’
Sa press conference sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ni PNP chief General Oscar Albayalde na nakatutok ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa mga nasabing pulis na sangkot umano sa pag-recycle ng mga ilegal na droga sa mga ikinasang anti-drug operations.
Kabilang aniya sa mga ito ang tatlong pulis na may ranggong Police Lieutenant hanggang General at labing-siyam na may ranggong mula Patrolmn hanggang Police Executive Master Sergeant.
Kailangan pa aniyang matiyak kung kasapi nga ang mga nasabing ‘ninja cop’ sa ilegal na aktibidad.
Matatandaang unang isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang drug recycling sa ilang operasyon ng law enforcement agencies.