Objectionable.
Ito ang naging pahayag ng palasyo ng Malakanyang sa ginawang pagharang ng Chinese warship sa mga barko ng Pilipinas na magsasagawa sana ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bahala na si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na gumawa ng kaukulang hakbang o kung maghahain ng protesta.
Palaisipan ayon kay Panelo kung bakit hinarang ng China ang barko ng Pilipinas na magdadala lamang ng pagkain.
Sa report ng Department of National Defense, ginawang Chinese warship ang panghaharang sa barko ng Pilipinas noong buwan ng Mayo.
READ NEXT
Balitang para sa mga deputy speakers ang hinihinging karagdagang pondo ng Kamara sa 2020 fake news ayon kay Speaker Cayetano
MOST READ
LATEST STORIES