Kinontra ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pahayag ni House Committee on Accounts at Cavite Rep. Abraham Tolentino na kailangan ng karagdagang P1.6B budget para sa susunod na taon para sa mga deputy speakers.
Sa kanyang mensahe sa General Assembly ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) ng 18th Congress, iginiit ni Cayetano na “fake news” ang lumabas na ulat dahil hindi para sa mga Deputy Speakers ang hinihinging pondo sa 2020 budget.
Sinabi nito na gagamitin ang hinihinging karagdagang budget para sa pagpopondo sa research ng legislative ang additional funding, dagdag na mga empleyado, komite gayundin sa improvement ng facilities.
Layon aniya ng hinihiling na dagdag na pondo na maging pro-people ang pasilidad ng Kamara gayundin ang mabigyan ng budget ang Congressional Policy and Budget Research Department para sa epektibo at mabilis na pagbuo ng panukala.
Lumaki din aniya ang bilang ngayon ng mga kawani sa Mababang Kapulungan at nadagdagan din ang komite partikular ang pagdadagdag sa Senior Vice Chairmen ng Committee on Appropriations at Ways and Means.
Mula sa panukalang pondo na P14B sa 2020 ng Kamara humiling si Tolentino ng karagdagang P1.6B na budget sa susunod na taon.