Ikalawang bangkay sa gumuhong gusali ng Hotel Sogo, nakuha na

Matapos ang pitong oras narekober na ng search and rescue team ang bangkay ng isa pang manggagawa na nadaganan nang mag collpase ang Sogo Hotel sa Malate, Maynila.

Nakilala itong si Joromie Fabello.

Agad na dinala ang bangkay sa ospital ng Maynila.

May ilang minuto pa lamang ang nakalilipas nang makuha ang bangkay ni Fabello.

Una rito narekober na rin ang bangkay ni Melo Ison kaninang pasado alas tres ng hapon

Una nang nagsagawa ng demolisyon ang mga tauhan ng Sogo Hotel nang madaganan ang dalawang manggagawa.

Read more...