Aprubado ng Commission on Elections (Comelec) ang substitute nominees ng Duterte Youth Party-List.
Sa inilabas na tatlong pahinang desisyon na may petsang September 6, inaprubahan ng Comelec en banc ang apat na nominee bilang representante ng nasabing grupo.
Kabilang dito sina Ducielle Cardema, Robert Garcia, Krizza Reyes at Guillermo Villareal Jr.
Si Ducielle ay asawa ng nagbitiw na si Ronald Cardema.
Inilabas ang desisyon mahigit isang buwan matapos kanselahin ng Comelec ang nominasyon ni Ronald Cardema bilang representante ng Duterte Youth noong August 5.
Nauna nang na-disqualified si Ronald Cardema dahil sa pagiging overaged nito para maging kinatawan ng youth partylist.
MOST READ
LATEST STORIES