Operasyon ng ilang app-based lending company ipinatigil ng SEC

Naglabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng cease and desist order laban sa labing-isang illegal mobile lending application.

Sa inilabas na cease and desist order noong September 20, sakop nito ang mga sumusunod na mobile lending app:

– Cash Whale

– Cash 100

– Cashafin

– CashFlyer

– CashMaya

– Cashope

– Cashwarm

– Cashwow

– Creditpeso

– ET Easy Loan

– Peso2Go

Ayon sa SEC, nakatanggap kasi sila ng mga reklamo ukol sa mapang-abusong lending at collection practices ng mga ito.

Ipinag-utos ng SEC sa mga may-ari at operator ng mga online lending application na ihinto na ang ilegal na aktibidad.

Sinabi rin ng ahensiya na dapat nang burahin o tanggalin ng mga lending business ang kanilang mga promotional presentation online.

Read more...