Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na pansamantala lamang ang nararansan sa bansa na mataas na presyo ng petrolyo.
May kaugnay pa rin ito sa bigtime oil price hike bukas na ipatutupad ng mga oil companies.
Ipinaliwanag ni Trade Sec. Ramon Lopez na bumalik na sa norman ang presyo ng petrolyo sa world market makaraan ang naganap na drone attack sa oil facilities ng Saudi Aramco kamakailan.
Bukas ng umaga ay kasado na dagdag presyo sa gasoline na P2.35, sa diesel ay P1.80, samantalang P1.75 naman ang kada litro ng gaas o kerosene.
Nauna nang tiniyak ng Department of Energy na may sapat na buffer ang bansa kaya hindi magtatagal ang bentahan ng petrolyo sa mas mataas na presyo.
Idinagdag rin ng DOE na balik na sa full production ang Saudi Arabia para sa kanilang oil products.
Magugunitang umabot sa 20-percent ang naging dagdag sa halaga ng petrolyo sa world market makalipas ang ginagwang drone attack sa Saudi Aramco.