Sinibak sa pwesto ang lahat ng opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) na sangkot sa hazing incident na ikinamatay ng fourth-class cadet na si Darwin Dormitorio.
Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ng PMA at Baguio City Police Office.
Matatandaang itinuring na ng mga otoridad bilang suspek ang tatlong naunang persons of interest sa kaso ni Dormitorio.
Dalawa rito ay third-class habang isa naman ang first-class.
Sinabi ng PMA na handa nang maghain ng kaukulang kaso laban sa mga ito.
Nauna nang tiniyak ng pangulo sa mga magulang ni Dormitorio na mananagot sa batas ang mga sangkot sa nasabing hazing.
Sinibak na rin sa pwesto sa pwesto si PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista dahil sa pangyayari.
MOST READ
LATEST STORIES