Nananatiling ligtas mula sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa Visayas at Mindanao region.
Sa isang panayam, sinabi ni Department of Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes na apektado lamang ng sakit ang bahagi ng Rizal, Bulacan at Quezon City.
Mahigit naman pitong libong baboy ang isinailalim sa culling process laban sa ASF sa Luzon.
Matatandaang naglaan ang Quezon City government ng P10 milyong pondo para sa financial assistance sa mga lugar na apektado ng nasabing sakit sa baboy.
Kasalukuyang nagpapatupad ng mahigpit na checkpoints ang ilang local officials sa Visayas at Mindanao para hindi makapasok doon ang mga baboy na galing sa Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES