Pahayag ito ng palasyo matapos ang pag-atake sa Saudi Arabia na pangunahing pinagkukunan ng langis.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, hinihintay ng palasyo ang panukala ng Department of Energy na bumuo ng oil contingency task force.
Ayon kay Panelo, kapag nakapag sumite na ang DOE ng proposal, maaring magpalabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyon ang naturang problema.
Una nang sinabi ng Department of Finance na stable pa naman ang suplay ng langis sa bansa.
Bukas ay muling magpapatupad ng bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng petrolyo.