Ito ay kung magmumula ang pautang sa labing walong bansa na sumuporta sa resolusyon ng Iceland na paimbestigahan sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang anti-drug war campaign.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi rin apektado ang Build Build Build program ng administrasyon.
Hindi rin aniya apektado ang grant mula sa United Kingdom aabot sa 21 million euros para sa pagresolba sa trapik sa Metro Manila.
Ayon kay Panelo, bukod sa labing walong bansa, mayroon namang iba pang bilateral partner na bansa ang Pilipinas na maaring malapitan sa oras ng kagipitan.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ginarantiyahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na lahat naman ng proposed engagements ay pawang mga technical assistance grants at hindi labis na makalalatay sa ekonomiya ng bansa.
Sa record ng Department of Finance, may kabuuang existing grants ang bansa na $377.43 Million mula sa Australia,Italy, Spain, France at Germany na hindi aniya maapektuhan ng direktiba ng pangulo.