PMA Supt. Lt. Gen. Evangelista dapat nang magbitiw sa pwesto ayon sa Malakanyang

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na dapat nang magbitiw sa pwesto si Philippine Military Academy (PMA) Supt. Lt. Gen. Ronnie Evangelista.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez na magbitiw na sa pwesto si Evangelista kasunod ng pagkamatay ng PMA cadet na si 4th class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, wala nang dahilan para manatili pa si Evangelista sa kanyang posisyon kung lalabas na hindi nito naman pala nito nalalaman ang mga nangyayari sa akademiyang kanyang pinangangasiwaan.

Sinabi pa ni Panelo na bilang pinuno ng PMA, may kapangyarihan si Evangelista na ipagbawal ang hazing.

Dagdag pa ni Panelo na kinakailangan na magkaroon ng top to bottom accountability partikular sa hanay ng pamunuan ng PMA.

Kung hindi man aniya kasong kriminal, dapat ay masampahan ang mga ito ng Administrative cases.

Read more...