Trabaho sa executive branch suspendido na simula 3:00 PM

Suspendido na ang trabaho sa executive branch simula alas-tres ngayong hapon (September 23).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay alinsunod na rin sa Proclamation number 60 na nagdideklara sa huling lingo ng Setyembre kada taon bilang ‘family week’.

Gayunman, sinabi ni Panelo na ipinauubaya na ng Palasyo sa kani-kanilang mga pinuno ang pagsuspinde sa trabaho sa ibang sangay ng pamahalaan at independent commission.

Tuloy din aniya ang trabaho sa mga nasa basic and health services, preparedness at response team.

Read more...