Mga panukalang ipapasa ng Kamara bago ang session break sa Oktubre nakalatag na

 

Kuha nI Erwin Aguilon

Inilatag na ng Kamara ang listahan ng mga priority measures na ipapasa bago mag-break ang kongreso ngayong Disyembre.

Ayon kay House Majority leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, kabilang sa mga panukala ng mga liderato ng kongreso at top cabinet officials para agarang maaprubahan ay ang Salary Standardization Law (SSL) 5 para sa civilian state workers, pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (OFWs), pagpapaliban ng May 2020 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa May 2023, at pagbibigay ng free legal assistance sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Paliwanag ni Romualdez chairman ng Rules committee na ang nasabing mga panukala ang napagkasunduan nila sa meeting ng Legislative-Executive Coordinating Council (LECC) nitong Linggo ay kabilang di sa legislative agenda ni pangulong Duterte.

Sa kabila nito hihintayin pa rin umano nila ang official communication ng Palasyo tungkol sa pinal na listahan ng priority legislative measures na isusumite sa Kongreso at habang wala pa ay napagkasunduan nila na isulong ang kanilang common priority measures.

Nangako naman si Romualdez na sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano ay makikipag-tulungan sila sa Senado at Cabinet members para maisulong ang nais ng pangulo na mabigyan ng maayos at komportableng buhay ang mga filipino.

Inaasahan naman maipapasa ang naturang mga priority measures bago mag adjourned ang kongreso sa Disyembre.

Nangako si Rep. Martin Romualdez na sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano ay makikipag-tulungan sila sa Senado at Cabinet members.

Read more...