Barangay chairman patay sa pamamaril sa North Cotabato

Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin sa Barangay Kayaga, Kabacan North Cotabato linggo ng gabi (September 22).

Kinilala ng Kabacan PNP ang nasawi na si Bong Matalam Bacanna, 43-anyos ng Barangay Kayaga habang sugatan naman ang tatlong kasama nito.

Ayon sa ulat, nag-uusap lamang sa harap ng Barangay Hall ang biktima at mga kasama nito nang paulanan ng bala ng hindi pa kilalang salarin bandang alas-9:15 ng gabi.

Isinugod pa sa ospital si Bacanna pero hindi na umabot ng buhay at patuloy namang ginagamot ang tatlong kasama nito.

Hindi pa alam ang motibo sa pamamaslang pero isa sa tinitingnan ng otoridad ay “personal grudge.”

Read more...