Bagong 6-lane Gate Complex sa CDO Port nagagamit na

Nagagamit na ang bagong Gate Complex sa Cagayan de Oro City Port.

Sa ibinahaging larawan ng Philippine Ports Authority sa Misamis Oriental, operational na ang bagong 6-lane Gate Complex ng Port of CDO.

Matatagpuan ito sa bahagi ng Corrales Extension na dating Gate 3 ng pantalan.

Noong July 15, 2019 pinasinayaan ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang konstruksyon ng nasabing Gate Complex.

Dahil sa mas malapad na Gate Complex inaasahang mas mapapabilis ang pasok at labas ng mga sasakyan sa nasabing pantalan.

Read more...