Inarestong organizer ng mga magsasaka sa Quezon Province, dudulog sa Korte Suprema

Maghahain ng petition for habeas corpus sa Korte Suprema ngayong araw ang pamilya ni Alexandrea Pacalda para obligahin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na palayain si Pacalda.

Ayon sa pamilya Pacalda, pitong araw na nasa kostudiya ng 201st Brigade sa Calauag, Quezon ngunit hanggang ngayon ay wala pang kaso na isinasampa laban sa kanya.

Giit pa ng kampo ni Pacalda, pinagbabantaan din si Pacalda na kakasuhan kasunod nang lumabas na video na kung saan ay binabawi niya ang affidavit na kanyang linagdaan na nagsasabing siya ay kusang sumuko.

Sa naturang video ay sinasabi ni Pacalda na siya ay pinuwersang lumagda sa nabanggit na dokumento.

Umaasa ang pamilya Pacalda na kakatigan sila ng Mataas na Hukuman upang maipakita sa husgado ang kaanak.

Read more...