Hazing sa isang kadete kinondena ng ACT-CIS

Mariing kinondena ng tatlong mambabatas ng ACT-CIS Partylist ang pagkamatay ng isang bagitong kadete dahil sa hazing sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Base sa medico legal report ng PNP, namatay si 4th class Cadet Darwin Dormotorio dahil sa bugbog kaya nagkaroon ng internal bleeding na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.

Dahil sa insidente, maghahain ng resolusyon si Cong. Eric Yap para ipatawag ang mga opisyal ng PMA at magpaliwanag kung bakit nakalusot na naman sa kanila ang ganitong uri ng pang-aabuso, gayong bawal na ang hazing.

Nais ni Yap na malaman kung ano ang nangyari at bakit namatay ang kadete sa hazing habang nasa kanilang pangangalaga.

Ayon naman kay ACT-CIS 3rd Rep. Niña Taduran, “disiplina at pagsunod sa utos ng mga nakakataas ang itinuturo sa PMA”.

Aniya, kung ngayon na mga estudyante pa lamang ay abusado at barumbado na kung mag-isip, paano na lang kung sila ay ganap ng mga opisyal ng AFP.

Read more...