Hirit ng isang US Senator na pakawalan na si Senadora Leila de Lima, ‘non-sense’ ayon sa Malakanyang

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na patulan pa ang panawagan ng isang senador sa Amerika na pakawalan na si Senadora Leila de Lima na dalawang taon nang nakakulong dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, non-sense ang panawagan Senator Marco Rubio na idinaan sa Twitter nito na may hashtag “FreeLeilaNow” “ExpressionNOTOppression”.

Ayon kay Panelo, dahil non-sense, hindi na papatulan ng palasyo ang walang katuturang panawagan ni Rubio na nagsabi ring bogus ang mga isinampang kaso kay De Lima.

Nito lamang Abril ay una nang humirit si Rubio ng pagpapalaya kay De Lima kasama ang apat pang ibang senador ng Amerika.

Read more...