Water level sa Angat dam nasa 191.56 meters na

Nadagdagan pa sa nakalipas na 24 na oras ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng Hydrology Division ng PAGASA, nasa 191.56 meters na ang water level ng Angat ngayong alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Sept. 23.

Nadagdagan din ng kaunti ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 101.01 meters. Gayundin ang La Mesa dam na nasa 78.59 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, at Magat dam.

Habang nadagdagan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Caliraya.

Read more...