Ginebra wagi kontra Alaska Aces sa unang pagsabak sa pagbubukas ng 2019 Governor’s Cup

Hindi nagpadaig ang Ginebra Kings sa Alaska Aces sa unang pagsabak nito sa 2019 PBA Governor’s Cup.

Sa kanilang laban sa Smart Araneta Coliseum, tinalo ng Kings and Aces sa score na 102-83.

Nag-ambag ng 30 puntos ang import ng Ginebra na si Justin Brownlee, kabilang ang 22 rebounds.

Nagbigay din ng 16 points si Greg Slaughter habang 10 puntos naman si Stanley Pringle.

Ang import ng Alaska na si Justin Watts ay nakapagtala naman ng 22 rebounds pero hindi ito sumapat para maipanalo nila ang laban.

Samantala, wagi naman ang Rain or Shine kontra Columbian Dyip sa kanilang laban sa score na 96 – 90.

Read more...