Dalawa arestado sa buy-bust operation sa Negros Occidental

Arestado ang dalawang suspek sa ilegal na droga sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa San Carlos City Negros Occidetal.

Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib-pwersa ng PDEA-Negros Occidental Provincial Office at Special Enforcement Unit, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Guimaras.

Kinilala ang mga nadakip na sina Winnie Lyn Dayondon Dual at Julio Llavore Licayan na inaresto sa Brgy. 6 sa nasabing lungsod.

Nakuha sa kanila ang tinatayang 6 na gramo ng shabu na may street value na P48,800.

Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...