2 arestado sa buy-bust operation sa Taguig

Timbog ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO – Regional Drug Enforcement Unit at PDEA – NCR sa Western Bicutan, Taguig.

Ayon kay NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, nakilala ang mga suspek na sina Tato Kuting, 25 anyos at Guiamelon Pagayan, 30 anyos.

Ayon kay Eleazar, positibong nabilhan ang mga suspek ng 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18,000.

Matapos ang palitan ng droga at boodle money ay agad na inaresto ang mga suspek.

Sumatutal, nakuhaan ang mga suspek ng aabot sa P45,000 na halaga ng shabu.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...