Habagat, humina; maalinsangang panahon asahan sa buong bansa

Bahagyang humina ang southwest monsoon o Habagat at nagdadala na lamang ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, dahil sa mahinang epekto ng Habagat, maalinsangan na panahon na ang mararanasan sa buong Luzon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Sa Visayas at Mindanao, mainit na panahon din ang mararanasan na may posibilidad ng isolated thunderstorms sa hapon o gabi.

Wala namang nakataas na gale warning at pinapayagan ang paglalayag sa lahat ng baybaying dagat ng bansa.

Read more...