Kabilang sa mga pinuntahan ng NCRPO chief ay ang police community precincts (PCP) sa Las Piñas at Muntinlupa pati na ang headquarters ng Muntinlupa Police.
Sa Las Piñas, naabutan ni Eleazar na natutulog ang dalawang mobile patrol officer at isang police desk officer.
Nasabon ni Eleazar ang mga naabutang tulog na pulis.
Samantala, nairita ang police official sa kalat na nadatnan sa labas ng mga PCP.
Pinagsabihan ni Eleazar ang mga pulis na maging malinis sa paligid matapos madatnan ang mga balat ng candy at bottled water na ang iba ay nakatago pa sa mga halaman.