Ayon sa Caloocan Police, napuruhan sa ulo ang biktima na kinilalang si Richard Gregorio at dead-on-arrival sa ospital.
Patuloy namang ginagamot ang pinsan ng biktima na si Luisito Gregorio at ang isa pa nilang kaibigan.
Bibili lang sana ng alak ang mga biktima sa isang supermarket Monumento Circle nang harangin sila at pagsusuntukin ng apat na lalaki.
Nagawang makahingi sa tulong sa mga baranggay tanod at pulis ang isa sa mga biktima dahilan para maaresto ang mga suspek.
Ayon sa pulisya, posibleng nakursunadahan lamang ng mga nakainom na suspek ang mga biktima.
Mahaharap ang mga ito sa kasong murder at frustrated murder ang isasampa laban sa mga suspek.