PAGASA: Mas mahahabang gabi mararanasan na dahil sa autumnal equinox

Courtesy of Rhommel Balasbas

Mas mahahabang gabi na ang mararanasan ng Pilipinas pagkatapos ng autumnal equinox na magaganap ngayong araw, September 23.

Ang autumnal equinox ay isang celestial phenomenon kung saan ang araw ay direktang sumisikat sa equator.

Sa kasagsagan ng equinox, may kaparehong haba ang araw at gabi sa kaparehong latitude sa magkabilang hemispheres ng mundo.

Alas-3:50 mamayang hapon magaganap ang autumnal equinox sa Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, matapos ang equinox o simula bukas, asahan nang mas magiging mahaba ang mga gabi sa Pilipinas.

Ito ay dahil bababa na ang araw sa ilalim ng celestial equator patungo sa southern hemisphere.

Mas mahaba na ang araw at maikli ang gabi sa mga bansa sa southern hemisphere habang mas maikli ang araw at mas mahaba ang gabi sa mga bansang nasa northern hemisphere kasama na ang Pilipinas.

Mayroong dalawang equinox sa kabuuan ng taon, bukod sa autumnal equinox ay mayroon ding vernal equinox na kadalasang nagaganap sa buwan ng Marso.

Read more...