M3.0 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental ala-1:38 madaling araw ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 106 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pinsala dulot ng lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...