Mga nakatambak na gulong, nasunog sa isang bakanteng lote sa Mandaue City

Nasunog ang ilang nakatambak na gulong sa isang bakanteng lote sa Mandaue City, Linggo ng umaga.

Ayon sa Mandaue City Fire Department, sumiklab ang sunog sa bahagi ng Barangay Cabancalan bandang 10:15 ng umaga.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero sa lugar dahilan para mapigilan ang pagkalat ng apoy sa mga katabing bahay.

Tuluyang naapula ang sunog bandang 11:03 ng umaga.

Patuloy pang inaalam kung ano ang sanhi ng sunog.

Read more...