Big-time oil price hike ipatutupad simula bukas, Sept. 24

(UPDATED) Nag-anunsiyo na ang ilang kumpaniya ng langis ng halaga ng ipatutupad na dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto simulas bukas, September 24.

Ayon sa Shell, Petro Gazz at Cleanfuel, tataas ng P2.35 ang kada litro ng gasolina habang P1.80 naman sa kada ng diesel.

Samantala, P1.75 naman ang taas-presyo ng kerosene o gaas ng Shell.

Epektibo ang oil price adjustment ng Shell at Petro Gazz alas-6:00, Martes ng umaga, habang alas-12:01 naman ng madaling araw ng Miyerkules ang sa Cleanfuel.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng price adjustments sa kanilang mga produkto ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Ang P2.35 kada litrong dagdag sa gasolina simula bukas ay ang pinakamataas na taas-presyo ngayong 2019, sunod sa P2.24 kada litro na dagdag noong Enero dahil sa excise tax.

Read more...