Lalaki patay sa pamamaril sa Cebu City

Photo courtesy of Cebu Daily News

Dead-on-the-spot ang isang lalaki matapos tambangan habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa North Reclamation Area, Cebu City, Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Gumonit, 49 anyos, residente ng Brgy. Looc, Mandaue City.

Ayon kay Mabolo Police Station deputy station commander Police Lieutenant Pablito Saldo, tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo at kanang bahagi ng dibdib si Gumonit.

Habang naghihintay umano ang biktima na magkulay-green ang traffic light ay dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang huminto sa driver’s side ng sasakyan at bigla na lamang namaril ang back rider.

Batay sa testimonya ng mga nakakita sa krimen, may sakay na maskara at itim na jacket ang mga suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa krimen at tinutugis ang mga nasa likod nito.

Read more...